DexielgetsSerious

SANA.

May mga bagay  na minsan inisip mo sana nagawa mo man lang. O naging ganoon ka.

 

Sana Ms. Universe ka, o Ms. World  man lang. Sana sikat kang artista.

Sana lahat ng kaibigan mo pinapahalagahan ka. Sana hindi ka nila pinagtatawanan. Sana alam nila ang kaibahan ng pranka at pagiging mainsulto.

Sana magaling kang sumayaw.

Sana magaling kang kumanta.

Sana kaya mong libutin ang mundo na feeling mo nasa bahay ka lang. Kabisadong-kabisado mo kahit nakapikit.

Sana nakapagpapicture ka sa Eiffel Tower, sa Big Ben, Statue of Liberty, sa may Lion sa Singapore o simpleng sa Monumento ni Rizal.

Sana pangulo ka ng bansa na kayang bayarana ng lahat ng utung ng bansa mo.

Sana kumain ka ng ice cream nung malungkot ka.

Sana kasabay mong gumraduate yung crush mo.

Sana isa kang Top Model. Makita sa billboards, TV, Commercials at Magazines.

Sana nagkaroon ka ng lakas loob pumasok sa Horror House at marealize na kahit paos ka na after, eh ang saya.

Sana nagkaroon ka ng lakas loob sumakay ng roller coaster, kahit nakakahilo, masaya. O kahit sa carousel man lang, paikot-ikot na feeling mo nasa music box ka.

Sana nagdagdag effort ka sa subject mo,sana pinagtyagaan mo yung projects  mo,sana hindi ka nag-cram, sana mas mataas yung grades mo.

Sana genius ka sa Math. Yung kaya mung hanapin ang square root ng 3 o ang value man lng ng Pi.

Sana genius ka sa Science o sa History man lang.

Sana nasabug rin yung utak mo ng malaman mong buhay pa si Ibarra matapos ang Noli Me Tangere at nabitin ng matapos ang El Felibusterismo.

Sana nakausap mo man langngmas matagal yung mga taong nakakausap mo lang pag kailangan, n asana mas malapit kayo at naging magkaibigan.

Sana nakilala mo sa personal yung mga taong nakikilala mo lang sa

Facebook, Twitter o Tumblr.

Sana nag-gguest ng artistayung paaralan niyo.

Sana nakapunta ka sa KPOP concert, sa concert ni Daniel Padilla o sa oncert ni Taylor Swift.

Sana nasabi mo yung mga bagay na takot kang sabihin.

Sana binato mo yung joke mung kinikimkim mo kasi corny.

Sana nagtanong ka para malaman mo yung sagot.

Sana ikaw yung nagtaas ng kamay nung recitation. At sana ikaw yung may plus points.

Sana naging close kayo ng crush mo. Sana natry mo man lang ngitian sya tuwing magkasalubong kayo.

Sana nagreply ka ng nagtext siya ng “Good morning”.

Sana nakuha mo yung pangalan ng gwapong lalaking nakita mo sa Mall.

Sana na-add mo sya sa Facebook.

Sana nalaman mo na may nagkakacrush pala saying torpe.

Sana hindi ka bumulong sa mga pagkakataon na dapat sumigaw ka.

Sana hindi ka tumawa sa mga panahong gusto mung umiyak.

Sana  nagkulong ka sa CR nung mga panahong gusto mung maiyak pero takot ka lang kaawaan nila.

Naisip mo n asana pala inubos mo yung pagkain mong baon dahil maraming bata ang nagugutom ngayon. Naisip mo sana na ang perang ginsastos mo sa mga walang kabuluhang bagay ay pang-foodtrip na sana.

Sana hindi ka humiwalay sa grupo, nakapapicture ka na sana ng artista.

Sana hindi ka natulog, nakita mo sana si Jake Cuenca na dumaan.

Sana sumali ka sa Camping.

Sana naging successful ka sa totoong pangarap mo.

Sana magaling kang lumangoy, marunong man lang atleast.

Sana marunong kang magbike.

Sana may time machine ka.

Sana kasing dami ng likes ng picture ni Mona Lisa yung picture mo.

Sana kasing talino mo si Socrates, Aristotle at Plato,

Magaling magsulat katulad ni Shakespeare.

Sana ikaw si Kate Middleton, commoner lang pero minahal ng totoong Prince.

Sana kasing tapang mo si Andres at sing-dalubhasa mo si Rizal.

Sana nagpa-rebond ka. O nagpakulot.

Sana malawak yung understanding mo.

Sana hindi ka pikon.

Sana hindi ka slow.

Sana madalin magpatawad.

Sana medaling harapin yung takot.

Sana di ka nasasaktan.

Sana hindi ka umasa.

Sana na-appreciate mo yung mga bagay bago mawala sayo,

Sana nasubukan mong harapin yung takot mo.

Sana tumigil ka muna.

Nag-isip.

Tapos nag-isip uli bago ka nagdesisyon.

Gusto mung bumalik pero wala kang super powers.Walang rewind ang buhay.

Hindi tayo mamawalan ng sana…

Hindi lahat may pagkakataon.

Kaya kung meron mang pagkakataon, huwag nating sayangin.

MY TIME STARTS…

NOW.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s